Ginawa kong hybrid ang road bike ko (drop bars to straight bars) kasi 1. di naman ako nag re race 2. Di na ako flexible (67 years old na ako) 3. Mas comfortable ang ride. Para sa mtb naman, ang malamang na pinaka dahihlan kung bakit gagawing hybrid (rigid, thin tires) ang mtb ay dahil hindi na ito balak gamitin pa sa off road o malubak na daan, malupa, mabundok, matubig at iba pang mga daan na pang mtb lang talaga. Yung riding comfort na maidudulot ng isang hybrid mtb ay halos kasing tulad ng ginawa kong hybrid road bike. Kung sakali mang nakabili ako ng mtb noong 1987, tulad ng road bike ko na nai convert ko sa hybrid na nabili ko noong 1987, malamang, gagawin ko rin itong mtb hybrid dahil din sa mga dahilan na nasabi ko. Maganda ang presentation ng video mo. May mga dahilan na wasto. Sa totoo lang, bumili pa ako ng isang road bike na carbon at nai convert ko din sa hybrid. Di na sana ako bibili, kaso, sa luma ng bike ko, ang hirap makakita ng piyesa na angkop para sa kanya, kung kaya, di ko ito nilalaspag tulad ng noong medyo di pa ito kasingluma today. Di naman kayang bumili ng lahat ng 2nd bike upang preserved ang original na mtb at mala road bike ang bibilhin. Mahal din kung tutuusin, kahit mistulang mura ngayon ang mga bisikleta. Mas mura lumalabasa ang conversion kesa brand new dahil ang assets ay nariyan pa. Ibig sabihin, puedeng ibalik sa dati kung gugustuhin o magpapalit palit kung kinakailangan.
excellent insight po. tama po kayo. kahit di pa po ako katandaan di ko rin talaga type ang drop bar. mas komportable sa lusong ang flat bar. kaya kung hindi naman tayo kumakarera flat bars pa rin ang the best in my opinion. yes pwedeng-pwedeng ibalik sa dati kung trip natin ang offroad. yong bike ko po pabalik-balik lang sa hybrid to mtb. 2 sets ang wheelset ko--pang offroad at pangkalsada. maraming salamat po sa panonood.
Gusto ko rin gumawa ng hybrid road bike tulad ng ginawa mo, gagawin ko lang gravel ang tire pero alloy o cromoly ang frame. Shimano Deore 1x12 ang group set para may pang ahon. Hindi rin naman ako mahilig magpabilis sa roads
This content have so informative talaga kaya magamit ko talaga as a good bases for my own hybrid MTB. Kaya thank you po sir for the very useful informations you keep on sharing😊
Gud day 68 yrs.old na ako pero biker pa rin ,ngayon ko lang napanood ang vlog mo hindi naman kasi ako nagpapanood ng mga bike vlog pero may natutunan ako sayo, maigsi na walangbpaligoyligoy seen uli ako sa mga other vlog mo
tama yung naisip ko na posible mangyayari kapag nag rigid ako, buti nakita ko video mo boss ty. nagpaplan kase ako mag rigid kaso, iniisip ko baka sumabit na pedal ko,
Sir, nood po kayo kay sir Maverick HC for more info regarding hybrid. Mayroon syang videos about recommended/examples ng combination ng tires at rigid fork para maiwasan ang pedal strike. Nice content sir! 👍
Oo sir, idol ko yang c sir erick. Pero he doesnt call it hybrid but rigid mtb. rigid naman talaga kasi yong mga MTB noong 90s. Magiging hybrid lang pag nilagyan ng aero bar--pero tt mtb ang tawag nya.
Also consider na mag-try ng shorter crank arm. Usually kasi 170-175 ang kasama sa built bikes but there are a lot of accounts na mas hiyang daw pala sa kanila ang 165mm, male-lessen pa ang pedal strikes.
Idol ano po sukat nung rim nyo balak ko po sana mag set up ng ganyan naka 26er rin po kasi ako salamat po sa response newbie palang po kasi ako more tips pa idol ridesafe po lagi
ito talaga gusto kung setup...nasanay nako sa mga dating mtb na rigid fork tapos slim na gulong para magaan at ma bilis ikot ng kahit konting pedal...pero ngaun na frame parang awkward na tignan sa laki ng frame at liit ng gulong...
Informative boss. Tambay ako dito. Pa shout. Salamat. Sa palagay ko gusto nilanv maging magaan at less drag sa road. Fork suspension kasi mabigat at aggressive tires are heavier to pedal on paved road. We did the same way back 1990s. Mtb ginawan anamin road bike. Pati chain ring pinalitan namin. Road bike set up minus drop bar, break levers and frame.
Lods may di ka nasabi na main cause ng pedal strike. Eto yun, sa 27.5 and 26er di gaanong issue lagyan mo ng rigid fork na 26er which is ang concern is clearance. Ang problema pag ang 29er lagyan mo ng 26er na rigid fork yun ang major cause kaya bumaba ng husto ang BB. pero kung 29er lalagyan mo ng universal size na rigid fork wala kang magiging problema. Ang bottom line is dependi sa rigid fork na ikakabit mo sa bike mo.
Ung example ko na nka fuji 29er frame kahit daw nka unicersal fork nagpedal strike pa rin sya. But yes mas lalong problema kung 26er fork ang ilalagay mo.
May tip po ako sa mga riders ng hybrid kung pano ang pag buo.gawin nyo pong 3 by ang chain ring upang magamit sa up hill at downhill at pwede din pang long ride.wag din lakihan ang gulong upang magaan dalhin.thank you po
Same ng setup ko. Halimaw ipidal sa ahon pangkalsada lang talaga pero okay sya bike to work nice explain idol kanya kayan tayo ng trip sa bike RS mga bro
Tama po if gusto mag hybryd type na bike yung smaller range 26er or 27.5 frame. Natry ko na yan sa bike ko. Naranasan ko rin yung mag slick tyres sa 29er pero naka supension fork maganda naging faster yung bike ko at magaan ipedal ang downside lang ng slick tires is pag umulan at basa ang kalsada mahirap din sa trails lalo pag maputik yung daan. Pero sa road ok na ok. Less rolling resistance. May naging bike na ako na hybrid 26er sya. Dami nagkakagusto na bilhin yung bike ko na yun. Kasi maganda daw gamitin kahit old model na. Pero ndi ko sya binenta kahit puro gasgas na. Kasi sya yung pinaka una kong built bike. 😅😄😁
@@BecomingSiklista oo nga Sir eh actually nabili ulit ako ng 26er frame na kasya ang 700c × 35c tire try ko nman sya buoin if kaya gawin as gravel bike. Anyway thanks din for making this video. Ang pwede ko lang po maipayo doon sa mga 26er frame na gusto magkabit ng bigger range pero ndi kasya ang 700c wheelset they can try japanese bike wheelset like me or 650b wheelset or if gusto talaga nila ng 700c wheelset is bibili sila ng 26er na kasya ang 700c or mag 27.5er frameset sila para mas sure na kasya yung 700c wheelset.
Ganda ng Topic na ito sir, we have same idea and answer kung ano ang pwede mangyari. Tama nga ako at BB ang pinaka unang concern sa pag hybrid ng mtb, maganda ang naging setup at idea mo sir, ang henyo po nung pag lagay ng 700/29er size na fork sa 27.5 na frame. Bahagya talagang tataas ang BB, parang na restore din ang original height ng BB. Pero para samin na short cyclist maselan po kami sa top tube or Frame sizes haha, kaya dapat ma restore padin ang tamang geometry ng mtb kung hybrid.
Sir, will you please list down the sizes of Fork, Frame at wheelset. and crank arm just for reference lang para kung sakali mag build ako hybrid mtb. Just to clarify lang po 29er ang wheelset nyo at 700*35c ang tires mo?
@@leikeze6642 yes po don sa wheelset. Frame is 26er size 17; fork is 29er aluminum alloy; crankset here is 48-38-28, 170mm crank arms; sprocket 12-32 8 speed
Ang ginawang basehan ng iba sa BB drop, basta magkasing taas nung nasa RB like around 80mm, di ganung prone sa pedal strike. Kadalasan pag 29er frames, okay lang naman mag 27.5 or 26er suspension corrected fork pero hanggang 29x2.0/29x2.1 slicks ang gamit. Examples are Maxxis Grifter, Maxxis Torch or WTB Thickslick
Kung rigid fork ka, magiging jack of all trades ang bike mo. Di naman kabawasan, well kabawasan sa bigat lalo kung di ka naman pala trail-rides. Lubak at light-trails kaya naman ng MTB Full-Rigid.
Tama ka jan brother, same tayo ng design, hybrid mtb 700x35C ang gulong ko at rigid fork rin but actually wala na ako binago sa bike ko ito ang design ni TREK sa 7.2 model nya sa kanyang hybrid mtb. Napakagaan dalhin at convenient dalhin beside hindi naman ako trail player, pang patag lang, pamasyal. Check mo TREK 7.2 ganda nyan
For me meron hehehe galing na kasi ako sa hybrid now ang setup ko naman ay monster gravel, nasa tao dn minsan ang problema kase walang kasiyahan at walang humpay na paguupgrade basta may sakit na upgraditis 😂
Good day Sir. Pg po full 29er hybrid: 29er frame, 29er fork, 29x2.30 tires. Hindi po ba sasabit paa sa front tire pgliliko, hindi din po ba mgkakameron ng pedal strike pg ngbanking?. Tnx po.
Salamat sa pag feature ng bike ko haha 2:03 Yung set up ko 27.5 frame tapos wheelset naman ay 700x38c. Yan din naging problema ko dati nung naka 27.5 na slick tires gamit ko kaya nagpalit akong ng 29er para tumaas ulit ang bb shell.
Tbh, mga nakikita kong dahilan kung bakit may mga nag cconvert ng mtb to hybrid: - affordability: mas mura at medyo may kagandahan sa quality ang mga piyesa ng MTB kesa sa RB counterparts. - mixed terrain: kahit sa kalsada sa pinas may mga lubak na. May iba na di pantay ang pagkakagawa. Daming imperfections sa kalsada. So for comfort, mas mag tthrive ang mga gravel type to mtb type na tire width.
Meron nmn po mga build bikes na hybrid set up 29er na gaya ng foxter elbrus at pardus, mayron din ang trinx at betta bikes hindi ko lng po matandaan yung exact models nila. Kya para ndi na mg upgrade at palit pyesa, kung mtb slick tires w/rigid fork gusto nyo ay hybrid built bikes na bilhin nyo.
try mo yung gravel bike gawin hybrid mas ok yun since kasya yung crankset na pag RB, pag MTB frame kasi issue nyan yung crankset, pag pang RB na hallowtech yung sinalpak halos sumasayad na sa chain stay yung chain ring, magiging prob nalang dyan yung size ng frame sa height.
Nakakabahalang concern sa pag hybrid ng mtb na ako mismo nakaranas. Mas lalong nakakaadik mag bike at mag upgrade sa punto na alarming na ung budget. Yun lang. Haha
Naka 29er ako na frame size Medium (16.5) nag babalak ako mag hybrid mtb rigid fork tsaka corner bar nalang napapalitan ko, ang napalitan ko palang is gulong ko 700x40c na sya oo madalas ako mag pedal strikes lalu na nung bago pero sanayan lang at ingat ang kelangan. siguro pag nag rigid ako baka mas lalung bumaba yung bottom bracket shell kaya baka mag tubular rigid fork nalang ako para mataas parin geometry.
sir anong rim set ang pwede po sa gulong na 700x35c? balak ko po kase palitan yung gulong ng mtb ko n 26.195 ng semi slick tires po gaya po ng sayo. anong pwede nyo po marecommend sakin po sir? maraming salamat po.
4:58 sa bale 29er rigid fork din nilagay po ninyo para ma attain din ang height nito, in other words same ang height nito kumpara nung naka suspension fork ito..
Tanong po boss, ung pag baba ng BB, masosolusyunan po b ng Suspension corrected fork? I mean 29er MTB tpos palitan lng ng rigid fork n 29er pero corrected ung haba. On that note meron po b mga readily available n ganong fork? Like ung mga weapon lightning b yun? S unang tingin kc muka sya mahaba im not sure. Balak ko kc i-rigid ang hardtail ko. Thanks
Sa mga aluminum alloy kahit sabihing suspension corrected 29er magiging mababa pa rin kung 29er Ang frame mo. Ang nakikita ko talagang suspension corrected ung toseek carbon fiber 29er rigid fork ung tapered
@@BecomingSiklista salamat po s reply, yung toseek carbon po ba available s bike shops? Kng sa shopee po or lazada saan po legit? Last yung mosso m5L or mosso m6 po suspension corrected po b?
Mas gusto ko ang hybrid, kase kung hardtail rin naman ung bike, kahit may suspension ako sa harap, ramdam ko parin naman ung mga lubak, tsaka lagi ko rin nilolock ung fork and di rin naman ako gumagawa ng hard trailing, (eg: di ka tumatalon, or for fun lang rides mo sa trail), and malaking tulong ung weight reduction pag nawala ung suspension sa harap. Mas lalo naging consistent ahon ko and tumaas avg speed ko sa patag.
Ang mga naunang mountain bike actually rigid forks pa dati.. kung usapang pagiging purist ayun ang puro hahaha. Pagbili ko ng rigid fork ko sabi pa sakin ng mekaniko putulan na natin boss ng sagad kasi un daw ang tamang set up. Sagot ko ngayon lang nauso pero way back 2012 wala pang crit set up ang nauna talaga hybrid.
Nise tips pra s gustong mag hybrid.. Ako ay nka rigid n tubular sir, goods nman sa akin... Kung may time po kayo sir mron din po akong latest upload.. Salamat
Mas prefer ko kung dina papalitan ang tire Sir mas Gwapo tignan tsyaka kahit anong lubak walang kinakatakutan tsyaka halos sira sira mga daan dito sa pinas hehe kaya mas prefer ko ang matabang tire😅 Keep safe at ride safe always sir pa shout out uli next video😎
@@BecomingSiklista kayanga sir ang maxxis na slick tire eh umaabot sa 1k+ yung iba nga umaabot pa ng 2k ehh tulad ng vittoria tattoo light sobrang mahal sakit sa bulsa😅😂
i hope may ma sagot nyo to. ung MTB ko is 27.5 Medium frame. ung tires ko is Maxxis pace 27.5x1.95. plano ka palitan ug suspension fork ko to rigid fork (toseek 26er carbon fiber rigid fork). safe pa ba to sa pedal strikes? thanks!
Magkakaiba kc Ang geometry ng frames. I'm sure Malaki Ang ibababa ng bb/pedal nyan. Safe Naman Yan pero iwas ka na sa mga uneven na roads/trails at ingat sa pagliko.
Sir, possible po ba maglagay ng road bike wheels sa mtb na 20"?para po sa high school na nag bbike to school..gusto kasi namin palakihin pa yung gulong..thanks po in advance
Ty sir sa respond.....cge sir ganon gagawin ko.....nabibigatan kc ako sa suspension fork kaya gusto ko magpalit ng rigid...thank you ulit sir god bless
May suggestion po ba kayo na murang rigid fork, naka hybrid rin po ksi aq na naka suspension fork na 700x35c na gulong kaso d aq marunong sa presyuhan haha
Hahaha sakin yung promax na green sir ako owner. Rigid na din gamit ko Mosso M5L suspension corrected kasi 29er na medium (17) yung frame ng promax para hindi bumaba ng husto, nirepaint ko na din khaki na siya ngayon.
Idol beginner lang po ako sa mga bisikleta at gusto ko po sana palitan ng mas manipis na gulong ang 26er mtb ko anong size po ba ng tire ang bibilhin ko at pwede po ba na tire lang po ang bilhin ko? Ty po sa sasagot
Pwede naman sir. Nasubukan ko nang lagyan ng 26x1.75 tire pero nka suspension fork pa rin. Pero mas maganda kung maghanap ka na lang ng slick kahit di manipis. Or bili ka ng 2nd hand na 29er rimset sa market place para makapagkabit ka rin ng 700x35c tires
Sir isa din sa dahilan kung bakit ako nag Rigid fork dahil mas tipid sa maintenance , ayaw ko kasi palagi naglilinis ng suspension at higit sa lahat yan lang kaya ng budget ko po Respeto na lang sa mga kapwa siklista ,kung yan ang set up ng bike niya ay igalang na lang po ng iba Salamt sa shout out , pede pa shout out ulit.
Master, I'm currently using a medium frame na 29er, tapos pansin ko nga is masiyado nabago yung geometry and bumaba ang bb. Wala naman pedal strike, pero parang di na comfortable gamitin. If susundin ko yung suggestion mo na 26er or 27.5 na frame, dapat ba medium size pa din? Salamat!
Yes ok na medium pa rin. Tataas un pero makakapag adjust ka Naman sa seat post. Ang mahalaga same lang ang haba ng top tube pra di ka masyadong manibago
Hi ser diko alam ano tawag dun pero nung nagpalit ako ng semi slick 700 35c pag tumatakbo nako ng medjo mabilis parang nauubos na padjakan ko. Parang dina nakagat yung ipin ng crank or spraket diko sure alin. Hehe. Ganun ba talaga po? Thanks
Gusto ko din palitan yung 29er ko ng Rigid fork na pang 29er. And problema ko eh walang "universal" na mataas-taas ang axle to crown. And mas mahirap makahanap ng aluminum na rigid fork na 29er na meron sapat na axle to crown height, puro Carbon. Konti lang talaga selection ng rigid fork locally.
Ginawa kong hybrid ang road bike ko (drop bars to straight bars) kasi 1. di naman ako nag re race 2. Di na ako flexible (67 years old na ako) 3. Mas comfortable ang ride.
Para sa mtb naman, ang malamang na pinaka dahihlan kung bakit gagawing hybrid (rigid, thin tires) ang mtb ay dahil hindi na ito balak gamitin pa sa off road o malubak na daan, malupa, mabundok, matubig at iba pang mga daan na pang mtb lang talaga.
Yung riding comfort na maidudulot ng isang hybrid mtb ay halos kasing tulad ng ginawa kong hybrid road bike.
Kung sakali mang nakabili ako ng mtb noong 1987, tulad ng road bike ko na nai convert ko sa hybrid na nabili ko noong 1987, malamang, gagawin ko rin itong mtb hybrid dahil din sa mga dahilan na nasabi ko.
Maganda ang presentation ng video mo. May mga dahilan na wasto. Sa totoo lang, bumili pa ako ng isang road bike na carbon at nai convert ko din sa hybrid. Di na sana ako bibili, kaso, sa luma ng bike ko, ang hirap makakita ng piyesa na angkop para sa kanya, kung kaya, di ko ito nilalaspag tulad ng noong medyo di pa ito kasingluma today. Di naman kayang bumili ng lahat ng 2nd bike upang preserved ang original na mtb at mala road bike ang bibilhin. Mahal din kung tutuusin, kahit mistulang mura ngayon ang mga bisikleta. Mas mura lumalabasa ang conversion kesa brand new dahil ang assets ay nariyan pa. Ibig sabihin, puedeng ibalik sa dati kung gugustuhin o magpapalit palit kung kinakailangan.
excellent insight po. tama po kayo. kahit di pa po ako katandaan di ko rin talaga type ang drop bar. mas komportable sa lusong ang flat bar. kaya kung hindi naman tayo kumakarera flat bars pa rin ang the best in my opinion. yes pwedeng-pwedeng ibalik sa dati kung trip natin ang offroad. yong bike ko po pabalik-balik lang sa hybrid to mtb. 2 sets ang wheelset ko--pang offroad at pangkalsada.
maraming salamat po sa panonood.
J6
Gusto ko rin gumawa ng hybrid road bike tulad ng ginawa mo, gagawin ko lang gravel ang tire pero alloy o cromoly ang frame. Shimano Deore 1x12 ang group set para may pang ahon. Hindi rin naman ako mahilig magpabilis sa roads
This content have so informative talaga kaya magamit ko talaga as a good bases for my own hybrid MTB. Kaya thank you po sir for the very useful informations you keep on sharing😊
welcome sir
Gud day 68 yrs.old na ako pero biker pa rin ,ngayon ko lang napanood ang vlog mo hindi naman kasi ako nagpapanood ng mga bike vlog pero may natutunan ako sayo, maigsi na walangbpaligoyligoy seen uli ako sa mga other vlog mo
Welcome po 😁 sa channel natin. Salamat po sa panonood.
Honga noh.. Well said.. Sir. Basta aq.. Ung mtb.. Ko n 29ers..wala aq.. Binago.. Un ang design talaga NG engineer..thankz sa info sir!!
Tnx for watching, sir.
tama yung naisip ko na posible mangyayari kapag nag rigid ako, buti nakita ko video mo boss ty. nagpaplan kase ako mag rigid kaso, iniisip ko baka sumabit na pedal ko,
Maraming salamat sa pagshare bro, maraming matutulungan na mga siklista sa ganitong mga video, stay safe and healthy palagi at magandang araw sayo.
Salamat po sa panonood.
Thanks sa video mo po Sir kahit matagal na navideo to malaking tulong sa akin to, GOD BLESS PO SA CHANNEL MO
Welcome po
SaLamat idol malaking tulong itong video mo na ito...yan kasi naging problema ko sa hybrid ko
Welcome lods. 👍
Sir, nood po kayo kay sir Maverick HC for more info regarding hybrid. Mayroon syang videos about recommended/examples ng combination ng tires at rigid fork para maiwasan ang pedal strike.
Nice content sir! 👍
Oo sir, idol ko yang c sir erick. Pero he doesnt call it hybrid but rigid mtb. rigid naman talaga kasi yong mga MTB noong 90s. Magiging hybrid lang pag nilagyan ng aero bar--pero tt mtb ang tawag nya.
rigid mtb ang tawag ni boss Mavs kasi hindi sya gumagamit ng 700c tires. Where as ang hybrid bikes well known na gumagamit ng 700c tires
Also consider na mag-try ng shorter crank arm. Usually kasi 170-175 ang kasama sa built bikes but there are a lot of accounts na mas hiyang daw pala sa kanila ang 165mm, male-lessen pa ang pedal strikes.
Korek sir. Pero mahirap hanapin yan.
@@BecomingSiklista sa shopee po meron crankset w/hollowtech bottom bracket na sir! Less than 2k po price.
@@ipemontoya3609 wow, affordable na yan.
Tama walang basagan ng trip paps. Depende pa rin yan sa riding preference ng mga rider at kung ano ang discipline nila sa pagpa-bike. RS
Idol ano po sukat nung rim nyo balak ko po sana mag set up ng ganyan naka 26er rin po kasi ako salamat po sa response newbie palang po kasi ako more tips pa idol ridesafe po lagi
Auto-subcribed nung nakita ko 'yung comparison mo sa geometry ng bike from suspension to rigid. 😁👌
Maraming salamat po 😁
ito talaga gusto kung setup...nasanay nako sa mga dating mtb na rigid fork tapos slim na gulong para magaan at ma bilis ikot ng kahit konting pedal...pero ngaun na frame parang awkward na tignan sa laki ng frame at liit ng gulong...
Honestly di tlga maganda Ang mtb frame with skinny tires. Tma ka awkward nga
salamat Sir .. plano ko rin iupgrade ung MTB ko to rigid fork .. pa shoutout sa next video .. :)
Ok sir sa shout out. Reminder lang sir bababa pa rin ang bb nyan khit 29er na ung fork. Kaya wag kang bibili ng pang 27.5 fork.
Informative boss. Tambay ako dito. Pa shout. Salamat. Sa palagay ko gusto nilanv maging magaan at less drag sa road. Fork suspension kasi mabigat at aggressive tires are heavier to pedal on paved road. We did the same way back 1990s. Mtb ginawan anamin road bike. Pati chain ring pinalitan namin. Road bike set up minus drop bar, break levers and frame.
Salamat sir. Sige po sa shout out. Bka po for next week na. Yes po yong tlga gusto namin. 90s din ako first time ngkroon ng mtb.
@@BecomingSiklista salamat boss. Ingat.
Lods may di ka nasabi na main cause ng pedal strike. Eto yun, sa 27.5 and 26er di gaanong issue lagyan mo ng rigid fork na 26er which is ang concern is clearance. Ang problema pag ang 29er lagyan mo ng 26er na rigid fork yun ang major cause kaya bumaba ng husto ang BB. pero kung 29er lalagyan mo ng universal size na rigid fork wala kang magiging problema. Ang bottom line is dependi sa rigid fork na ikakabit mo sa bike mo.
Ung example ko na nka fuji 29er frame kahit daw nka unicersal fork nagpedal strike pa rin sya. But yes mas lalong problema kung 26er fork ang ilalagay mo.
@@BecomingSiklistabased sa pic mas matarik yung slope nung toptube nung Fuji na pwedeng factor most likely.
May tip po ako sa mga riders ng hybrid kung pano ang pag buo.gawin nyo pong 3 by ang chain ring upang magamit sa up hill at downhill at pwede din pang long ride.wag din lakihan ang gulong upang magaan dalhin.thank you po
3x is king
Same ng setup ko. Halimaw ipidal sa ahon pangkalsada lang talaga pero okay sya bike to work nice explain idol kanya kayan tayo ng trip sa bike RS mga bro
Tnx for watching idol
Tama ka maraming di alam yan.malaking tulong yan tips mo idol
Best vid about hybrid. Tama ang advice.
Tnx for watching idol
Thanks lodi! Perfect decision q na mag hybrid semi slick tire 700c x 40. Dartmoor 26er ung frame q kaya mataas ung pedal clearance..
nice! ano ang fork mo sir?
Tama po if gusto mag hybryd type na bike yung smaller range 26er or 27.5 frame. Natry ko na yan sa bike ko. Naranasan ko rin yung mag slick tyres sa 29er pero naka supension fork maganda naging faster yung bike ko at magaan ipedal ang downside lang ng slick tires is pag umulan at basa ang kalsada mahirap din sa trails lalo pag maputik yung daan. Pero sa road ok na ok. Less rolling resistance. May naging bike na ako na hybrid 26er sya. Dami nagkakagusto na bilhin yung bike ko na yun. Kasi maganda daw gamitin kahit old model na. Pero ndi ko sya binenta kahit puro gasgas na. Kasi sya yung pinaka una kong built bike. 😅😄😁
Ako rin sir. In my opinion best talaga ang 26er frame for hybrid. Mas magaan pa dahil mas maigsi. Tnx for watching sir.
@@BecomingSiklista oo nga Sir eh actually nabili ulit ako ng 26er frame na kasya ang 700c × 35c tire try ko nman sya buoin if kaya gawin as gravel bike. Anyway thanks din for making this video. Ang pwede ko lang po maipayo doon sa mga 26er frame na gusto magkabit ng bigger range pero ndi kasya ang 700c wheelset they can try japanese bike wheelset like me or 650b wheelset or if gusto talaga nila ng 700c wheelset is bibili sila ng 26er na kasya ang 700c or mag 27.5er frameset sila para mas sure na kasya yung 700c wheelset.
Sir sa pagkakaalam ko lahat ng 26er naman kasya ang 700x35c.
Ganda ng Topic na ito sir, we have same idea and answer kung ano ang pwede mangyari. Tama nga ako at BB ang pinaka unang concern sa pag hybrid ng mtb, maganda ang naging setup at idea mo sir, ang henyo po nung pag lagay ng 700/29er size na fork sa 27.5 na frame. Bahagya talagang tataas ang BB, parang na restore din ang original height ng BB.
Pero para samin na short cyclist maselan po kami sa top tube or Frame sizes haha, kaya dapat ma restore padin ang tamang geometry ng mtb kung hybrid.
Oo sir. Salamat po sa panonood. Ok lang nman ung mababa Ang bb pero extra ingat tlaga. Not for newbies.
Sir, will you please list down the sizes of
Fork, Frame at wheelset. and crank arm just for reference lang para kung sakali mag build ako hybrid mtb.
Just to clarify lang po 29er ang wheelset nyo at 700*35c ang tires mo?
@@leikeze6642 yes po don sa wheelset. Frame is 26er size 17; fork is 29er aluminum alloy; crankset here is 48-38-28, 170mm crank arms; sprocket 12-32 8 speed
@@BecomingSiklista Sir MARAMING SALAMAT PO! More subscribers nawa ang dumating informative lahat ng vlogs haha.
@@leikeze6642 welcome idol. Tnx sa support
Good Day sir..
Tnx pos info...
Marami po kaming natutunan...
😊
Salamat din po sa panonood.
@@BecomingSiklista wala pong anuman.. 😊
nice info sir
SGM 26 frame po ang ok lagyan ng 29 fork and wheelset..
mas ok din un rigid tube fork para di pa din bumaba un BB...
Korek sir. Tnx for watching.
Ang ginawang basehan ng iba sa BB drop, basta magkasing taas nung nasa RB like around 80mm, di ganung prone sa pedal strike. Kadalasan pag 29er frames, okay lang naman mag 27.5 or 26er suspension corrected fork pero hanggang 29x2.0/29x2.1 slicks ang gamit. Examples are Maxxis Grifter, Maxxis Torch or WTB Thickslick
tambay na muna po ako., thanks po sa pag share., keep safe
Salamat din, idol.
Kung rigid fork ka, magiging jack of all trades ang bike mo. Di naman kabawasan, well kabawasan sa bigat lalo kung di ka naman pala trail-rides. Lubak at light-trails kaya naman ng MTB Full-Rigid.
Korek sir natry ko na halos lahat ng terrain.
wow galing poydi pla nice help nmn sa area bro salamat ingat lgi god bless
Tnx, idol. Welcome po
another impormative content salamat at nag ka idea master
Tnx, idol!
Maganda ang pagpapalianag kapadyak salamat sa tip
Tnx, idol.
nice ganda ng content nyo boss, ditalyado. balak ko rin mag hybrid mtb.
Go na sir! Tnx for watching
Tama ka jan brother, same tayo ng design, hybrid mtb 700x35C ang gulong ko at rigid fork rin but actually wala na ako binago sa bike ko ito ang design ni TREK sa 7.2 model nya sa kanyang hybrid mtb. Napakagaan dalhin at convenient dalhin beside hindi naman ako trail player, pang patag lang, pamasyal. Check mo TREK 7.2 ganda nyan
Ganda nga sir. Classic. Rim brake pa rin yan no? Maganda rin Yong mga fx ngaun nka-disk brakes na. Dapat ganyan ang model ng mga gagawing hybrid.
@@BecomingSiklista disc break na xa bro, at dual sport xa pwede xa gawing rb or gravel bike. Sarap itakbo at magaan more or less 12kilos lang xa.
@@jjmwarriors5494 nice! 12kg na rin ung hybrid ko. Laki ng iginaan.
Ang ganda nya.. Mukang 29er pag naka hybrid.. ang laki tingnan
For me meron hehehe galing na kasi ako sa hybrid now ang setup ko naman ay monster gravel, nasa tao dn minsan ang problema kase walang kasiyahan at walang humpay na paguupgrade basta may sakit na upgraditis 😂
Hahaha! Korek. Exciting kc mg upgrade. Ano size ng tire mo sir?
Yun oh! Bagong idea to salamat! Suporta sa channel mo sir👊😎
Many tnx, idol.
@@BecomingSiklista ride safe
Good day Sir. Pg po full 29er hybrid: 29er frame, 29er fork, 29x2.30 tires. Hindi po ba sasabit paa sa front tire pgliliko, hindi din po ba mgkakameron ng pedal strike pg ngbanking?. Tnx po.
Sa toe overlap hindi naman. Kc mahaba ang frame ng MTB. Sure may pedal strike yan Pag banking kaya wag Kang pepedal Pag tagilid ka.
Very nice Lods, Nka rigid Fork ako 29er.
Tnx for watching idol
Salamat sa pag feature ng bike ko haha 2:03
Yung set up ko 27.5 frame tapos wheelset naman ay 700x38c. Yan din naging problema ko dati nung naka 27.5 na slick tires gamit ko kaya nagpalit akong ng 29er para tumaas ulit ang bb shell.
Kainggit ang bike mo sir. Ang ganda.
Tbh, mga nakikita kong dahilan kung bakit may mga nag cconvert ng mtb to hybrid:
- affordability: mas mura at medyo may kagandahan sa quality ang mga piyesa ng MTB kesa sa RB counterparts.
- mixed terrain: kahit sa kalsada sa pinas may mga lubak na. May iba na di pantay ang pagkakagawa. Daming imperfections sa kalsada. So for comfort, mas mag tthrive ang mga gravel type to mtb type na tire width.
Korek, idol. Thinner than 35c is to skinny for me at para sa lubak na dinadaanan ko. Medyo may kamahalan din Naman Ang decent gravel bike
Ty po sa pag shout out sakin idol👌
Welcome, master.
Meron nmn po mga build bikes na hybrid set up 29er na gaya ng foxter elbrus at pardus, mayron din ang trinx at betta bikes hindi ko lng po matandaan yung exact models nila. Kya para ndi na mg upgrade at palit pyesa, kung mtb slick tires w/rigid fork gusto nyo ay hybrid built bikes na bilhin nyo.
agree, idol. para wala ka nang poproblemahin sa geometry. kaya lang kami yong mga later na nag-decide na gusto pala namin ang hybrid.
@@BecomingSiklista nangyayari po iyan,
Katunayan sa akin din po.😁
@@ipemontoya3609haha! pero ngayon pang gusto ko ng off road/trail. Kaya yon, may iniisip na nman akong pagbabago. Haha!
try mo yung gravel bike gawin hybrid mas ok yun since kasya yung crankset na pag RB, pag MTB frame kasi issue nyan yung crankset, pag pang RB na hallowtech yung sinalpak halos sumasayad na sa chain stay yung chain ring, magiging prob nalang dyan yung size ng frame sa height.
Pwede nga un. Medyo mahal lang kc Ang gravel bike compared sa mtb
to avoid the problem with ground to bb clearance, the best for this project is a 26r
Oo nga sir
@@BecomingSiklista lezzzz go naka 26er ako pero pinag sisisihan ko kung bakit 26er yung binili ko...
@@nickstabz8755 why? Pwede mo p yang I upgrade sa 27.5
@@BecomingSiklista ahh oo upgrade ko yun to 27.5 in the future. For now iba muna parts ang i-uupgrade ko.
Tama ka brod akin 26er n frame at 27.5 n tires ayos!!
Nakakabahalang concern sa pag hybrid ng mtb na ako mismo nakaranas. Mas lalong nakakaadik mag bike at mag upgrade sa punto na alarming na ung budget. Yun lang. Haha
Haha! 😅 Guilty ✋🏽
Naka 29er ako na frame size Medium (16.5) nag babalak ako mag hybrid mtb rigid fork tsaka corner bar nalang napapalitan ko, ang napalitan ko palang is gulong ko 700x40c na sya oo madalas ako mag pedal strikes lalu na nung bago pero sanayan lang at ingat ang kelangan. siguro pag nag rigid ako baka mas lalung bumaba yung bottom bracket shell kaya baka mag tubular rigid fork nalang ako para mataas parin geometry.
Tama, sir. Mas ok ang tubular. Mas mataas. Pero di ba medyo mahal yon?
Another good into 👍🥰
sir anong rim set ang pwede po sa gulong na 700x35c? balak ko po kase palitan yung gulong ng mtb ko n 26.195 ng semi slick tires po gaya po ng sayo. anong pwede nyo po marecommend sakin po sir? maraming salamat po.
29er para sure 👌🏽
Ung ordinary lang. Mas mura pa Basta hindi malapad
nice video nice content idol, I enjoy watching. bagong dikit
Salamat, sir.
Chief pwede bang magpalit ng rigid ork na carbon tapos alloy ang frame?
Yes, idol. Marami nang gumawa Nyan. Ang kailangan lang tignan Jan ay Ang head tube ng frame. Oversized non-tapered or oversized tapered.
Same sa setup ko
26er frame , 700 x 38c tire . Goods n goods
Balak ko rin bumili ng 38c. Ok pa clearance sa frame?
4:58 sa bale 29er rigid fork din nilagay po ninyo para ma attain din ang height nito, in other words same ang height nito kumpara nung naka suspension fork ito..
Yes almost same height ng naka 26er suspension fork and tires. Kya mtaas pa rin ang bb. Kya pwede sya sa trails.
Tanong po boss, ung pag baba ng BB, masosolusyunan po b ng Suspension corrected fork? I mean 29er MTB tpos palitan lng ng rigid fork n 29er pero corrected ung haba. On that note meron po b mga readily available n ganong fork? Like ung mga weapon lightning b yun? S unang tingin kc muka sya mahaba im not sure. Balak ko kc i-rigid ang hardtail ko. Thanks
Sa mga aluminum alloy kahit sabihing suspension corrected 29er magiging mababa pa rin kung 29er Ang frame mo. Ang nakikita ko talagang suspension corrected ung toseek carbon fiber 29er rigid fork ung tapered
@@BecomingSiklista salamat po s reply, yung toseek carbon po ba available s bike shops? Kng sa shopee po or lazada saan po legit? Last yung mosso m5L or mosso m6 po suspension corrected po b?
Mas gusto ko ang hybrid, kase kung hardtail rin naman ung bike, kahit may suspension ako sa harap, ramdam ko parin naman ung mga lubak, tsaka lagi ko rin nilolock ung fork and di rin naman ako gumagawa ng hard trailing, (eg: di ka tumatalon, or for fun lang rides mo sa trail), and malaking tulong ung weight reduction pag nawala ung suspension sa harap. Mas lalo naging consistent ahon ko and tumaas avg speed ko sa patag.
korek!
pashoutout idol.🤙 nice content
Sure master
kapag 27.5 ano size ng tire? balak ko din maghybrid e..
1.75 sir
Ang mga naunang mountain bike actually rigid forks pa dati.. kung usapang pagiging purist ayun ang puro hahaha. Pagbili ko ng rigid fork ko sabi pa sakin ng mekaniko putulan na natin boss ng sagad kasi un daw ang tamang set up. Sagot ko ngayon lang nauso pero way back 2012 wala pang crit set up ang nauna talaga hybrid.
Maraming baguhan Ang di alam Yan. 😊
POWER!
Tnx, idol
My bike my rules.respeto lang sa kapwa siklista
Korek!
700x40c tapos rigid fork for 29er magkaka issue pa ba ng pedal strike
Malamang sir. Di talaga ideal ang manipis sa 29er unless na mag-suspension fork ka. Or pwede naman yan kailangan mo lang mag-ingat
Mga siklistang maski bike ng iba pinoproblema lol
nice content btw
Haha! Tnx for watching sir
Ano po size ng inner tube kung gaagmit ako ng 700x38c na gulong para sa 29er ko na mtb bike? Thanks po sa sagot❤
meron yong generic brands 700x35c/48c; or yong chaoyang na 700x35c/50c mas mahal nang kaunti
Nise tips pra s gustong mag hybrid.. Ako ay nka rigid n tubular sir, goods nman sa akin... Kung may time po kayo sir mron din po akong latest upload.. Salamat
Oo nga nakita ko. Noon ko pa gustong punta ron eh. Check ko now. Salamat sir
pag 26er po ang frame, at 700x35c ang ilalagay kong gulong, ano po size ng rim need kong bilhin?
Kung bibili ka ng bago ung 700c Ang nakalagay. Basta makikita mo Hindi malapad. Kahit 2nd hand 29er rim pwede na Basta Hindi malapad.
thank u po@@BecomingSiklista , pero kung pang mtb na gulong ilalagay ko, 27.5 na wheelset po ung dapat ko bilhin no
salamat sa shout out master
Paano naman po kapag 29er na frame, 29er na wheelset at 29er na rigid fork okey pa po ba yun?
Ok pa rin Naman pero mas mababa pa rin Ang bb nyan compared sa iba
Mas prefer ko kung dina papalitan ang tire Sir mas Gwapo tignan tsyaka kahit anong lubak walang kinakatakutan tsyaka halos sira sira mga daan dito sa pinas hehe kaya mas prefer ko ang matabang tire😅
Keep safe at ride safe always sir pa shout out uli next video😎
Sure sa shout out, idol. Korek ka jan mas malaki ang gulong mas gwapo esp kung slick. Gusto ko sana ng malaking slick pero pricey.
@@BecomingSiklista kayanga sir ang maxxis na slick tire eh umaabot sa 1k+ yung iba nga umaabot pa ng 2k ehh tulad ng vittoria tattoo light sobrang mahal sakit sa bulsa😅😂
@@christianrovillos1770 geax tattoo, idol. Ang ganda
@@BecomingSiklista oo idol kaso masakit parin sa bulsa😂😂
@@christianrovillos1770 korek.
best po ba ang 26er na frame para gawing hybrid?
Oo for me. pero limited Ang size ng tire na pwedeng ilagay
Pwede po ba na instead of 26er rigid fork. 27er pork ang ikabit para mas mataas pa rin?
Yes better po
Idol pa shoutout nxt vlog.ride safe
sure, idol.
Present idol! Well explained po good job. Salamat
Tnx for watching idol
Ser. 29er rim po ba is equivalent sa 700c?? O mag kaiba??
same lang po. usually kapag MTB 29er ang ginagamit na term; pag RB 700c. pero yong wide rims na pang MTB hindi pwede sa manipis na 700c tires.
i hope may ma sagot nyo to. ung MTB ko is 27.5 Medium frame. ung tires ko is Maxxis pace 27.5x1.95. plano ka palitan ug suspension fork ko to rigid fork (toseek 26er carbon fiber rigid fork). safe pa ba to sa pedal strikes? thanks!
Magkakaiba kc Ang geometry ng frames. I'm sure Malaki Ang ibababa ng bb/pedal nyan. Safe Naman Yan pero iwas ka na sa mga uneven na roads/trails at ingat sa pagliko.
Sakin 27.5 Medium Frame 29er Rigid Fork 27.5x1.95 Maxxis Pace ano po Masasabi nyo thanks .
Kasya po ba yung 700×35c sa gulong sa 27.5 na rims?
Hindi po. Sa 29er rim po kasya Ang 700x36c
idol paano naman kung 27.5 yung frame ko anong suggestion mo na size ng wheelset? 700x35c pa din po ba kuya?
Kahit Hanggang 53c or 29x2.1, idol. Mas bagay tlga Ang makapal na gulong sa mtb frame
Safe puba 26 ER tire na pang RB tapos 27.5 mtb frame 29er rigid fork safe poba sana masagot nyo
Pag 26er tires Hindi po pang RB Yan. Pero pwede Naman mababa nga lang Ang pedals/bb nyan kahit pa 29er fork
Boss pwede ba pong lagyan ng 27.5 na rigid fork ang 26er na mtb
Pwedeng pwede sir. Yong gamit ko 26er with 29er fork
Ask ko lang po ung 27.5 na wheel set ba compatible sa 700 x 38c na tires
Hindi po. Sa 29er rim set po compatible yan
@@BecomingSiklista ano pong ma ssuggest nyo na tires na pang hybrid sa size 27.5? Salamat po 🙂
@@BecomingSiklista nag inquire po ko sa shopee kasya daw po 700 x 35c sa 27.5 na rim ? Baka mamaya niloloko lang ako ng seller 😅
Good day boss, tanong ko lang ilang cm yung sukat ng dropout to seatstay bridge and dropout to chainstay bridge ng frame mo?
around 37cm, sir.
Sir, possible po ba maglagay ng road bike wheels sa mtb na 20"?para po sa high school na nag bbike to school..gusto kasi namin palakihin pa yung gulong..thanks po in advance
Di kaya sir. 26er mtb po tlga.
Sir yong frame ko 27.5....ang bibilhin koba na rigid fork 29 size para mataas padin...?
Yes para pwede pa rin sa malalaking lubak
Ty sir sa respond.....cge sir ganon gagawin ko.....nabibigatan kc ako sa suspension fork kaya gusto ko magpalit ng rigid...thank you ulit sir god bless
@@benjiemonaquil2621 welcome, lods
Sir, tanong ko lang po kung saan nyo po nabili yung Universal Rigid Fork?
Regalo lang po ito 2nd hand. Pero katulad lang po ito ng hassns, lutu Wang, & vivimax. Meron po ito sa Lazada at shopee
Very informative sir!!! Thank you! Subcribed 💯
Many tnx sir!
May suggestion po ba kayo na murang rigid fork, naka hybrid rin po ksi aq na naka suspension fork na 700x35c na gulong kaso d aq marunong sa presyuhan haha
May lutu brand po sa shopee P1599. Hanapin mo na lang, sir.
sir tanong kapag Ng change tire 35c dapat palit din rim? noob po 26r wheelset ko now naka 1.95
Oo sir. Kailangan mo ng 29er or 700c na rimset.
@@BecomingSiklista ok thanks
@@BecomingSiklista sir kahit anong 29er na rim basta hindi wide?
@@vanixgaming311 Yes sir not wide. Yong ordinary lang na makikita mo sa Mga budget 29er
Hahaha sakin yung promax na green sir ako owner. Rigid na din gamit ko Mosso M5L suspension corrected kasi 29er na medium (17) yung frame ng promax para hindi bumaba ng husto, nirepaint ko na din khaki na siya ngayon.
Ang husay ng paint job mo ha. Mukhang branded touring bike Ang dating
blog mo din ung MTB XC na nasa trail at ung FS at HT na nasa kalye may mga purist din hehe
Naku malamang maraming reaction dyan sir. sige sir pag-aaralan at pag-iisipan ko muna.
Idol beginner lang po ako sa mga bisikleta at gusto ko po sana palitan ng mas manipis na gulong ang 26er mtb ko anong size po ba ng tire ang bibilhin ko at pwede po ba na tire lang po ang bilhin ko? Ty po sa sasagot
Pwede naman sir. Nasubukan ko nang lagyan ng 26x1.75 tire pero nka suspension fork pa rin. Pero mas maganda kung maghanap ka na lang ng slick kahit di manipis. Or bili ka ng 2nd hand na 29er rimset sa market place para makapagkabit ka rin ng 700x35c tires
gano kahaba chainstay length ng frame mo boss
Sa set up ko ngaun na 42t chain ring, 11-42 cogs, 26er frame, sakto ang 116 links
Sir isa din sa dahilan kung bakit ako nag Rigid fork dahil mas tipid sa maintenance , ayaw ko kasi palagi naglilinis ng suspension at higit sa lahat yan lang kaya ng budget ko po Respeto na lang sa mga kapwa siklista ,kung yan ang set up ng bike niya ay igalang na lang po ng iba Salamt sa shout out , pede pa shout out ulit.
Sure, idol, sa shout out. Oo nga isa pa pala un. Punas lang ang maintenance ng rigid fork natin.
Master, I'm currently using a medium frame na 29er, tapos pansin ko nga is masiyado nabago yung geometry and bumaba ang bb. Wala naman pedal strike, pero parang di na comfortable gamitin. If susundin ko yung suggestion mo na 26er or 27.5 na frame, dapat ba medium size pa din? Salamat!
Yes ok na medium pa rin. Tataas un pero makakapag adjust ka Naman sa seat post. Ang mahalaga same lang ang haba ng top tube pra di ka masyadong manibago
@@BecomingSiklista ayun ambilis ng reply! Sige master salamat :D
1st watching here boss
Salamat, bosslars!
@@BecomingSiklista welcome po
Idol ma itanong kolang.27.5 yong MTB ko. Anong golong pwedi ekabit yong pina kamaliit.kasi gusto ko palitan ng maliit na golong.salamat idol .
kung 700c ideal ang 45c or 47c. Pero syempre klañgan mong magpalit ng rimset.
Meron na nga mga binebenta ngayun na slick tires na pang mtb naka bili ako sa shopee 27.5 1.75 parang naging roadbike din dating ng mtb ko hehe.
Oo nga sir Mura lang. Kya lang hayaan Mo n lang Nka suspension fork. Bababa na ang bb.
@@BecomingSiklista Yep naka suspension parin yung sakin hehe para ika nga di basta2 nabubudol kung saan man dadalhin na daan haha
ganyan dn gusto ko build, mtb na pang gravel bike gulong n fork
Tnx for watching sir.
Lodi anong kasya gulong sa 29er na rim ,kung lalagyan mu ng 700c x38 c ba , kasya ba un o malaki ??
Ano Ang frame mo, idol?
@@BecomingSiklista 29er lodi
@@efrenberin3695 tapos nka rigid fork ka?
@@BecomingSiklista ndi naka manual lock out lng nmn na fork ..
Good day, sir! Ask ko lang, saan mo nabili rigid fork mo?
Bigay lang po ng kaibigan. KaPareho lang po sya ng hassns
Hi ser diko alam ano tawag dun pero nung nagpalit ako ng semi slick 700 35c pag tumatakbo nako ng medjo mabilis parang nauubos na padjakan ko. Parang dina nakagat yung ipin ng crank or spraket diko sure alin. Hehe. Ganun ba talaga po? Thanks
Malamang sprocket sir. Di na gumakagat ung pawls. ano ba ang sprocket mo?
Sir yong mtb ko po na 26rs pwedi po ba sa regid pork na 29r? Salamat po
Pwedeng pwede sir. GanYan set up ko dati
@@BecomingSiklista salamat
Gusto ko din palitan yung 29er ko ng Rigid fork na pang 29er. And problema ko eh walang "universal" na mataas-taas ang axle to crown. And mas mahirap makahanap ng aluminum na rigid fork na 29er na meron sapat na axle to crown height, puro Carbon. Konti lang talaga selection ng rigid fork locally.
Oo nga sir. Pwede naman basta malaki ang gulong. Pero bababa tlaga ang bb.
Yan talaga problema kung yung frame mo is 29er. Buti nalang 27.5 binili ko na frame at kinabitan ko nang 29er wheelset
@@genesvinceguillena7512 ang kagandahan p nyan ms magaan.